Zette's Personal Page

Welcome to my site!

Blogs

Updates sa buhay ko

zette Posted by zette at 11:41 PM on September 07, 2009

Last blog ko is June 28. Hmmm… Ano bang meron dun. 2 months mahigit na pala akong di nag-update. To start with, I would like to thank, our Heavenly Father for keeping me alive, still alive and kicking…


To tell you guys sobrang daming nangyari sa buhay ko for the past 2 months. May good, may bad.  Mas malakas pa rin ang good kasi kita nyo naman strong and kicking pa rin ako. Buti nalang madaming angels na pinapadala si Lord para bantayan ako at ilayo sa mga DEMONYO na pilit lumalapit at naninira ng buhay ko. Ito ang mga memorable dates ko.


July 29, 2009 - Isa sa pinakamasayang pangyayari dito sa Pag-IBIG Fund.


August 14, 2009 - Pinutulan kami ng kuryente ng bastos na kapatid ng landlady namin. Bashin nya tong blog ko wala akong pakialam never akong NANDUGAS, NAMBASTOS at NANGUTANG sa kanya at sa kanila!!! NEVER!!! at sa tubig 450 pesos binabayaran ko kasi 150 per head. Ewan ko ba parang may bath tub ako. Makita ko lang ang taong yun parang nakakakita na ako ng demonyo. Kaasar talaga na ganyan kapitbahay mo. Pilit nagkiclaim ng property na din man sa kanila... Eto ang buong story, last may 1, 2009. Labor Day, maaga akong nagising nun kasi pupunta ako sa dentist ko. Ung walang mood na mandurugas, kumatok ng pagkalas lakas at nag-abot ng photocopied na papel and nakastate dun na last 1995 ba un, naidonate na sa kanya ang property na un ng tita nila.. And starting that date sya na maniningil sa lahat ng tenants. Ang mali lang dito, bakit di niya kausapin ang kapatid nya about jan. Ano naman pakialam naming mga tenants sa problema nila. kung gusto nya idemanda nya kapatid nya. di ung ganyan na agrabyaduhin nya kaming mga tenants para lang kausapin sya ng kapatid nya. So balik tayo sa issue ko, ay ganito pa pala, 2 nights before nya putulin ung linya ko, nagpafluctuate na power namin and a night before nya putulin ang linya ng kuryente namin  tuluyan ng nagspark ang linya galing sa labas, masama mang maghinala pero di kaya inside job ito? Kasi sa kabila ng lahat lahat di ko mataga maiiwasang maghinala lalo pa’t dinudugasan ako, inaagrabyado na wala naman akong ginagawang mali sa kanya. Hayzzzzzzzz, demonyo lang talaga nakakagawa ng mga bagay na di kanais nais. Take note nakikabit lang kami ng kuryente sa kapitbahay para lang makapagpatuloy sa klase ang kapatid ko. Wala talagang pakialam, basta PERA lang ang habol. So, un the following day nagpabarangay ako, pinabarangay ko xa. pero wala din nmang nagawa si kap kasi nga magkapatid daw kasi ung dalawang caretakers na nag-aagawan sa bayad ko. So, ganun na nga, ang importante lang daw muna maikabit ang kuryente ko. Nag-paassist pa ako sa dalawang tanod para lang maayos yung kuryente ko. At ito pa, never silang nagbayad or share man lang kahit kakarampot sa ginamit nilang kuryente naming nung nag-aayos sila ng unit sa kabila. May electric drill pa naman. Hayup talaga! Mandurugas!


So ngayon, di ako nagbayad ng rent ginamit ko na ang advance at deposit ko. At, di pa ko nakapagbayad ng bill, at di pa din ako nakapagbayad ng bill sa tubig.. kakawalang gana ang taas taas ng kuryente ko at tubig dahil sa pandurugas nila. Hay naku punong-puno ako ng hinanakit ngayon. sana nga eh makalipat na kami.. sa maayos ayos naman na apartment na may matinong caretaker at safe na lugar... Sa ngayon nakikisuyo ang babaeng caretaker yung kausap ko talaga na magstay muna ako jan sa unit nay an kahit hanggang January 2010 lang daw. huwat. Tapos gagawin nila akong pangharang sa away nila. ayos. Pinag pray ko nlang n asana makahanap na ako ng bahay or apartment na malilipatan. At sana Lord umayos na ung taong nandugas, nambastos, nang-agrabyado sakin. kawawa naman ang papalit sakin sa unit na un if ganun ulit mangyayari.


 At hanggang September 17 nlang pala stay ko dun. kasi sa date na un matatapos ang advance at deposit ko. hehehe. nag-iisip p ako ngayon kung ano ang dapat kong gawin.


Hmmm. ano p ba.. Updates sa color ng rubber sa ngipin ko. dating mint green now gray na xa. ehhehe. laterz, nlang ulitz , bibili pa ko ng food..

 

 

 

Categories: None

Post a Comment

Already a member? Sign In

0 Comments